Monday, May 17, 2010

GAANO KA KAHALAGA? ni Huseng Langgam

Kumusta? kapag wala kang magawa!
Kumusta? kapag wala kang oras dahil busy ka!
Kumusta? kapag may problema!
Kumusta? kapag malayo ka!
Kumusta? kapag nakabantay ka!
Kumusta? kapag may sakit ka!
Kumusta? kapag nalulungkot ka!
Kumusta? kapag hindi ka na nagpaparamdam!
Kumusta? kapag buhay ka pa!
Kumusta? kapag naalala kita!
Kumusta? OKEY KA LANG BA?
BASTA...INGAT HA!

KAHIT WALA KANG PERA! Ni Huseng Langgam

10 Bagay na Pwede mong Gawin KAHIT WALA KANG PERA!
1. Dalawin mo ang isang taong may sakit sa pinakamalaapit na ospital at sabihin mo sa sarili...mabuti pa ako kahit wala akong pera wala naman akong sakit.
2. Dalawin mo ang isang tao sa pinakamalapit na kulungan at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera malaya naman ako
3. Dalawin mo ang isang taong putol ang paa at kamay sa pinakamalapit na home for disabled persons at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera may kamay at paa pa ako.
4. Dalawin mo ang isang taong baliw sa pinakamalapit na mental ospital at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera matino pa ako.
5. Dalawin mo ang isang taong inabort sa pinakamalapit na simbahan at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera nabuhay pa ako.
6. Dalawin mo ang isang taong iniwanan ng asawa sa pinakamalapit na mall at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong may nagmamahal pa sa akin.
7. Dalawin mo ang isang taong magsusucuide sa pinakamalapit na kapit bahay at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera may pag-asa pa ako.
8. Dalawin mo ang isang taong patay sa pinakamalapit na cementeryo at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera buhay pa ako.
9. Dalawin mo ang isang taong mayaman na malungkot sa pinakamalapit na subdivision at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera nakakangiti pa ako.
10. Kung 'di mo kayang gawin ang siyam na nabanggit tumingin ka salamin at sabihin sa iyong sarili ang gwapo, ang ganda at ang lakas ko pa ba’t hindi ako maghanapbuhay para magakapera.

KAHIT WALA KANG PERA! Ni Huseng Langgam

10 Bagay na Pwede mong Gawin KAHIT WALA KANG PERA!
1. Dalawin mo ang isang taong may sakit sa pinakamalaapit na ospital at sabihin mo sa sarili...mabuti pa ako kahit wala akong pera wala naman akong sakit.
2. Dalawin mo ang isang tao sa pinakamalapit na kulungan at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera malaya naman ako
3. Dalawin mo ang isang taong putol ang paa at kamay sa pinakamalapit na home for disabled persons at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera may kamay at paa pa ako.
4. Dalawin mo ang isang taong baliw sa pinakamalapit na mental ospital at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera matino pa ako.
5. Dalawin mo ang isang taong inabort sa pinakamalapit na simbahan at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera nabuhay pa ako.
6. Dalawin mo ang isang taong iniwanan ng asawa sa pinakamalapit na mall at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong may nagmamahal pa sa akin.
7. Dalawin mo ang isang taong magsusucuide sa pinakamalapit na kapit bahay at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera may pag-asa pa ako.
8. Dalawin mo ang isang taong patay sa pinakamalapit na cementeryo at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera buhay pa ako.
9. Dalawin mo ang isang taong mayaman na malungkot sa pinakamalapit na subdivision at sabihin mo sa iyong sarili... mabuti pa ako kahit wala akong pera nakakangiti pa ako.
10. Kung 'di mo kayang gawin ang siyam na nabanggit tumingin ka salamin at sabihin sa iyong sarili ang gwapo, ang ganda at ang lakas ko pa ba’t hindi ako maghanapbuhay para magakapera.

Monday, April 19, 2010

TOTOO BA'TO?

ANG PINAKA MASASAYANG ARAW NG ISANG MAHIRAP AY BAGO MAG-ELEKSYON.
LAHAT NG PUSO AT ISIP NG POLITIKO SA KANILA NAKATUON
PERA ,PAGKAIN AT BAHAY NA MAY BUBONG...KANILANG PINAMIMIGAY MAY KASAMA PANG DONASYON...
PERO HINTAYIN NATIN PAGKATAPOS NG ELEKSYON
ITONG POBRENG MAHIRAP, ANO NA KAYA ANG KONDISYON?
ITONG POLITOKO'Y PURO NA LANG KOMISYON...
ANG MGA PROYEKTONG DAPAT WALANG BAYAD MAY PATONG,
PARA DAW PANG PROTEKSYON...
PAG DI KA NAGBIGAY LAGOT KA SA COMMISSION...
BARIL AT BALA NA ANG HATID NITONG TUGON...
NAGTATANONG LANG VOW... HUSENG LANGGAM

Wednesday, August 6, 2008

TAMA O MALI?

TAMA O MALI?
Aug 6, '08 11:44 PMby buhaypinoy for everyone
Ano ang dapat maunang malaman ang tama o mali?
sagutin ng / kung TAMA at X kung MALI

1. gulpihin ang apo hanggang mamatay.
2. chop-chopin ang asawa dahil sa selos.
3. mangholp-up para may mapakain sa anak.
4. makipagtalik sa kamag-anak.
5. lunurin ang sarili sa bisyo dahil ikaw ay naghihirap.
6. mag-amok at barilin ang kapitbahay.
7. magpalaglag dahil ayaw magkaanak.
8. suhulan ang judge.
9. mangako ng kabuhayan habang nangungurakot.
10. maging TAPAT sa lahat ng oras.

PARA SA MGA GURO:
Ano nga ba ang tunay na halaga ng pagtuturo?

PARA SA MGA MAGULANG:
Nasa maayos bang kalagayan ang ating mga anak?

PARA SA MGA PARI:
Nasaan si Kristo?

PARA SA MGA MADRE:
Nasaan na si Lozada?

PARA SA MGA MANGAGAWA:
Mag-ingat sa disgrasya. Umaasa sa inyo ang inyong mga anak.

PARA SA KABATAAN:
Mag-aral ng mabuti para sa kinabukasan. Mahal ng ang BIGAS!
marami pa kayong kakaining bigas!

PARA SA WALANG MAGAWA:
Sundin ang number 10.

PARA SA LAHAT:
" make your life a GIFT to others" neale donald walsch

Ang langgam ay nilikha hindi lamang para kumain
kundi para maging tunay na langgam - sa kapwa langgam.

HUSENG LANGGAM "000

Monday, July 21, 2008

“AUTHORIZED LIARS”

Ito ay tumutukoy sa mga taong nasa posisyon, a naatasan ng nakatataas at may gawad upang magsinungaling.

Naging dahilan ng isang tao ang kanyang sinumpaang tungkulin upang maimpluwensiyahan ang kanyang nasasakupan at idamay sa kanyang kasinungalingan.

Mas mabigat na tungkulin, mas mabigat na pananagutan ang naka-atang sa isang tao.

Mas nagiging malakas ang loob ng isang tao kapag may basbas ng nakatataas ang kanyang pagsisinungaling.

Dapat panagutan ng mga sinungaling na pinuno ang ganitong uri ng pagsisinungaling.
Hindi tama ‘yan. Kahit kailan, ang kasinunglingan ay labag sa katotohanan. Malaki o maliit mang kasinungalingan ay kasinungalingan pa rin.

Ang kasinungalingan ang magpapahamak sa tao.

Tigilan mo na ang pagsisinungaling kung ayaw mong mapahamak ng todo. Huwag mong pabayaang mawala ang tiwala sa iyo dahil sa iyong kasinungalingan.

Mawala man ang tiwala sa ‘yo ng ibang tao ay hindi mahalaga kung nanatili ka sa liwanag ng katotohanan.

Masama ang magbintang ngunit kapag ikaw ay mapagbintangan ng hindi totoo, ito ay nagiging daan para mapatunayan mo ang iyong sarili sa iba.

Walang dapat ikatakot ang taong nagsasabi ng totoo.

Hindi ang bibig ng tao ang nagsisinungaling kundi ang kanyang kalooban. Ganoon din sa magnanakaw, ang kamay ay hindi ang dahilan kundi ang hangarin ng taong magnanakaw.

"Then you will know the truth and the truth will make you free." John 8:32

Pinoy pakinggan mo ...ang sinasabi ko, totoo ba?...langgam
ABANGAN ANG BAGONG LIBRO NG BAYAN!

Sunday, July 20, 2008

SINO ANG TANGA?

SINO ANG TANGA?

"Pano ba mag-isip ang tanga?
Tanga pinag-iisipan pa ba’ yon?"

Bakit hindi ba mahalaga ang iniisip ng tanga o binabalewala lang sila dahil tanga sila?

Kapag pinag-uusapan ang topic na ito ay malamang hindi bibigyan ng pansin dahil ang mga tao ay ayaw ng tanga.

Katangahan ba ang malaman ang pagiging tanga?

Sino nga ba ang Tanga? Sila ba yong mga hindi nakatapos ng pag-aaral o yung maraming natapos pero may katangahan pa rin?

Ang Tanga ay “idiot” sa English. Ito ay laging nababanggit kapag nagkakamali ang isang tao o kaya kapag may kakulangan siya ng isang bagay lalo na sa pag-iisip. Maraming kahulugan ang salitang tanga. Hindi ibig sabihin marami kang tinapos na kurso ay hindi ka na tanga.

Tayong mga Pilipino ay unang tinawag ng mga kastila na mga tanga o indio “mga bobo”.

Ang tao nang isinilang ay likas na tanga dahil hindi pa ganap ang kanyang kaalaman sa mga bagay na sa kanyang paligid, ngunit gaano masusukat ng tao kung ganap na ang kanyang kaalaman sa kanyang paligid lalo ng sa kanyang sarili.

Hindi ba maraming nadiskubre dahil sa katangahan at ang nagsasabing matalino siya ay isang katangahan?

Ang pagiging mahirap ba ay isang katangahan?
Dahil alam na nilang sila ay mahirap pero hindi pa nila isipin kung paano makaahon dito? Ganoon ba yun?

Bakit ba may tanga, dahil ba may matalino? Hindi ba ang isang matalino ay may katangahan pa rin sa ibang bagay?
Bakit ba may tanga, dahil ba may mayaman? Hindi ba ang isang mayaman ay may katangahan din?

Si Attila the Hun, isang kilalang mandirigma noong unang mga siglo. Halos masakop niya ang mga iba’t ibang lupaing malapit sa Roma ngunit dahil lamang sa isang babae, siya ay namatay sa pamamagitan ng lason.

Maraming tao ang naging tanyag ngunit hindi pa rin nakaiwas sa katangahan?

Ang pagiging maramdamin ay isang sanhi ng katangahan. Kapag ang tao ay may pangamba o takot ito ay nagiging sanhi ng kanyang katangahan.

Ang sobrang galit ay maaari ding maging sanhi ng katangahan. Marami ang pumapatay at nagpapakamatay dahil dito.

Ang sobrang pag-iisip ng problema ay pinagmumulan din ng katangahan.

Ang sobrang tagumpay nama’y nakabubulag ng isip at sa katangahan din sumasapit.

Ang sobrang trabaho ay gayon din. Kapag ang katawan ay ayaw na at pilit ka pa rin sa paggawa katangahan pa rin ang iiral.
Ang pagmamadali ay sanhi rin ng katangahan.

Ang pagaaksaya ay katangahan din.

Ang pagnanakaw ay isang katangahan, dahil ang bawat bagay ay may dapat paggamitan ayon sa tamang paraan. Alam na niyang hindi kanya ay kinukuha pa.

Ang pagiging sakim sa pagkain, pera at anumang bagay tulad ng droga ay pagiging tanga sa sarili.

Ang isang katangahan ay maaaring humantong sa kahangalan ngunit ang kahangalan ay tunay na isang katangahan at ito ay maaari rin humantong sa kabaliwan.


Magkaiba ang pagiging inusente at ang nagtatangahan.

Ang inusente ay tanga na may natutunan.
Ang nagtantangahan naman ay may natutuhan na pero hindi naman isinasabuhay.

Sa ating lipunan ay marami ang nagtatangatangahan.
Nagpapabaya at walang pakundagan sa pagnanakaw ng ariarian.

Ngunit marami rin ang sinuwerte dahil sa katangahan.

Pinakamahalaga ay ang makilala ng tao kung sino siya at anumang kulang sa kanya ay hanapin niya kahit siya ay itinuturing na tanga.

Tell them to insult no one; they must not be quarrelsome but gentle and understanding with everyone.

We ourselves were once foolish.Titus 3:3

Grace be with you !!!

Ingat lang lagi ha... Huseng Langgam

Is it better to be an ant than to be a beast human?

THE POOR

THE POOR PEOPLE


We see paintings of poor people, then we admire the artist who painted them.

We read articles and stories about poor people, then we are inspired with the writer who wrote them.

We watch movies about poor people, then we congratulate the film-maker who made them.

We were surprised about the survey on poor people,
then we just make presentations about them.

How much do we gain from these? And do we really give to the poor people after doing such things?


They are real people …not just object s to be manipulated..


…Langgam……jduyan