Ito ay tumutukoy sa mga taong nasa posisyon, a naatasan ng nakatataas at may gawad upang magsinungaling.
Naging dahilan ng isang tao ang kanyang sinumpaang tungkulin upang maimpluwensiyahan ang kanyang nasasakupan at idamay sa kanyang kasinungalingan.
Mas mabigat na tungkulin, mas mabigat na pananagutan ang naka-atang sa isang tao.
Mas nagiging malakas ang loob ng isang tao kapag may basbas ng nakatataas ang kanyang pagsisinungaling.
Dapat panagutan ng mga sinungaling na pinuno ang ganitong uri ng pagsisinungaling.
Hindi tama ‘yan. Kahit kailan, ang kasinunglingan ay labag sa katotohanan. Malaki o maliit mang kasinungalingan ay kasinungalingan pa rin.
Ang kasinungalingan ang magpapahamak sa tao.
Tigilan mo na ang pagsisinungaling kung ayaw mong mapahamak ng todo. Huwag mong pabayaang mawala ang tiwala sa iyo dahil sa iyong kasinungalingan.
Mawala man ang tiwala sa ‘yo ng ibang tao ay hindi mahalaga kung nanatili ka sa liwanag ng katotohanan.
Masama ang magbintang ngunit kapag ikaw ay mapagbintangan ng hindi totoo, ito ay nagiging daan para mapatunayan mo ang iyong sarili sa iba.
Walang dapat ikatakot ang taong nagsasabi ng totoo.
Hindi ang bibig ng tao ang nagsisinungaling kundi ang kanyang kalooban. Ganoon din sa magnanakaw, ang kamay ay hindi ang dahilan kundi ang hangarin ng taong magnanakaw.
"Then you will know the truth and the truth will make you free." John 8:32
Pinoy pakinggan mo ...ang sinasabi ko, totoo ba?...langgam
ABANGAN ANG BAGONG LIBRO NG BAYAN!
Monday, July 21, 2008
Sunday, July 20, 2008
SINO ANG TANGA?
SINO ANG TANGA?
"Pano ba mag-isip ang tanga?
Tanga pinag-iisipan pa ba’ yon?"
Bakit hindi ba mahalaga ang iniisip ng tanga o binabalewala lang sila dahil tanga sila?
Kapag pinag-uusapan ang topic na ito ay malamang hindi bibigyan ng pansin dahil ang mga tao ay ayaw ng tanga.
Katangahan ba ang malaman ang pagiging tanga?
Sino nga ba ang Tanga? Sila ba yong mga hindi nakatapos ng pag-aaral o yung maraming natapos pero may katangahan pa rin?
Ang Tanga ay “idiot” sa English. Ito ay laging nababanggit kapag nagkakamali ang isang tao o kaya kapag may kakulangan siya ng isang bagay lalo na sa pag-iisip. Maraming kahulugan ang salitang tanga. Hindi ibig sabihin marami kang tinapos na kurso ay hindi ka na tanga.
Tayong mga Pilipino ay unang tinawag ng mga kastila na mga tanga o indio “mga bobo”.
Ang tao nang isinilang ay likas na tanga dahil hindi pa ganap ang kanyang kaalaman sa mga bagay na sa kanyang paligid, ngunit gaano masusukat ng tao kung ganap na ang kanyang kaalaman sa kanyang paligid lalo ng sa kanyang sarili.
Hindi ba maraming nadiskubre dahil sa katangahan at ang nagsasabing matalino siya ay isang katangahan?
Ang pagiging mahirap ba ay isang katangahan?
Dahil alam na nilang sila ay mahirap pero hindi pa nila isipin kung paano makaahon dito? Ganoon ba yun?
Bakit ba may tanga, dahil ba may matalino? Hindi ba ang isang matalino ay may katangahan pa rin sa ibang bagay?
Bakit ba may tanga, dahil ba may mayaman? Hindi ba ang isang mayaman ay may katangahan din?
Si Attila the Hun, isang kilalang mandirigma noong unang mga siglo. Halos masakop niya ang mga iba’t ibang lupaing malapit sa Roma ngunit dahil lamang sa isang babae, siya ay namatay sa pamamagitan ng lason.
Maraming tao ang naging tanyag ngunit hindi pa rin nakaiwas sa katangahan?
Ang pagiging maramdamin ay isang sanhi ng katangahan. Kapag ang tao ay may pangamba o takot ito ay nagiging sanhi ng kanyang katangahan.
Ang sobrang galit ay maaari ding maging sanhi ng katangahan. Marami ang pumapatay at nagpapakamatay dahil dito.
Ang sobrang pag-iisip ng problema ay pinagmumulan din ng katangahan.
Ang sobrang tagumpay nama’y nakabubulag ng isip at sa katangahan din sumasapit.
Ang sobrang trabaho ay gayon din. Kapag ang katawan ay ayaw na at pilit ka pa rin sa paggawa katangahan pa rin ang iiral.
Ang pagmamadali ay sanhi rin ng katangahan.
Ang pagaaksaya ay katangahan din.
Ang pagnanakaw ay isang katangahan, dahil ang bawat bagay ay may dapat paggamitan ayon sa tamang paraan. Alam na niyang hindi kanya ay kinukuha pa.
Ang pagiging sakim sa pagkain, pera at anumang bagay tulad ng droga ay pagiging tanga sa sarili.
Ang isang katangahan ay maaaring humantong sa kahangalan ngunit ang kahangalan ay tunay na isang katangahan at ito ay maaari rin humantong sa kabaliwan.
Magkaiba ang pagiging inusente at ang nagtatangahan.
Ang inusente ay tanga na may natutunan.
Ang nagtantangahan naman ay may natutuhan na pero hindi naman isinasabuhay.
Sa ating lipunan ay marami ang nagtatangatangahan.
Nagpapabaya at walang pakundagan sa pagnanakaw ng ariarian.
Ngunit marami rin ang sinuwerte dahil sa katangahan.
Pinakamahalaga ay ang makilala ng tao kung sino siya at anumang kulang sa kanya ay hanapin niya kahit siya ay itinuturing na tanga.
Tell them to insult no one; they must not be quarrelsome but gentle and understanding with everyone.
We ourselves were once foolish.Titus 3:3
Grace be with you !!!
Ingat lang lagi ha... Huseng Langgam

Thursday, July 10, 2008
PARA SA IYO AKING GURO
http://buhaypinoylanggam.multiply.com/
Sa iyong paninigaw pag ako'y sinasaway
Naalala ko ang tinig mong naging akin tanglaw
Sa iyong paghagis ng chalk,buti na lang ay haging
Naging mahusay ako at alerto sa aking mga gawain
Sa iyong pagsusumbong na ako'y sinungaling,
ngayon, aking bibig ay parang may sili pa rin
Sa iyong pagpapadipa sa akin, natuto akong magdasal
at lalo akong naniwalang epktibo ang panalangin
Sa iyong panlalait na ako'y tanga
natuto akong tuklasin ang mga bagay na mahalaga.
Sa iyong pagyayabang ng buhay mo sa amin
natuto akong magarap, mga pagsubok ay harapin.
Sa paulit-ulit mong lesson na aking tinandaan
magbasa, magsulat at makipagtalakayan.
Sa mga takdang iyong pinagagawa
kinabukasan wala akong naihanda.
Sa mga takot ko sa iyo ako ay natuto
Naging matapang ako katulad mo
Sa mga papuri sa mabuti kong gawa
natuto akong maging mabuti sa aking kapwa.
Ipagpaumanhin po ninyo hindi ko nabanggit
ako ang batang naglagay ng buble gum sa gilid ng inyong puwit.
Salamat sa iyo, Gurong Mahal hindi kita malilimutan
Ikaw ang aking guro sa Aralin Panlipunan.
noong kabataan ni Huseng Langgam

Monday, July 7, 2008
PINOY KA BA?
http://langgamworld.blogspot.com/
http://langgam.wordpress.com
http://buhaypinoylanggam.multiply.com
sabi nila ang mga Pinoy daw mga magnanakaw
sabi nila ang mga Pinoy daw mga bastos.
sabi nila ang mga Pinoy daw mga sira ang ulo
sabi nila ang mga Pinoy daw mga walang kwentang tao.
sabi nila ang mga Pinoy daw mga hampas lupa.
sabi nila ang mga Pinoy daw mga manloloko
sabi nila ang mga Pinoy daw mga pasikat.
eto lang ang masasabi ko sa kanila..
hindi ako naniniwala ... "Marangal ang Pinoy"...'yan ang alam ko!
Huwag maliitin ang maliliit...alam mo ba ang malaki kung walang maliit?
HUSENG LANGAM

Wednesday, July 2, 2008
PAMBATA DAPAT PAMBATA? ni Huseng Langgam
Isang Kritiko sa Panitikang Pambata
Ang Pilipino ay mahilig sa kwento.
Sana mabigyang linaw sa mga bata ang paggamit ng estilo sa pagkwento.
1. Kailangan bang takutin ang bata para lang magkaroon ng aral?
Halimbawa: Ang Alamat ng Pinya
Ano ang nangyari kay Pina nang hindi siya sumunod?
Hindi ba't dumami ang mata?
Kay Pinocchio hindi ba't humaba ang ilong dahil nagsinungaling?
Humahaba ba ang ilong ng nagsisinungaling?
Dumadami ba ang mata ng hindi sumusunod?
2. Kailangan bang lumikha ng pangyayaring hindi totoo para ikuwento ang katotohanan?
Alamat ng Paglikha: Si Maganda at Makisig galing sa kawayan.
Kailan ba nagsilang ng tao ang kawayan?
'yung suklay naging Buwan?
'yung kwintas naging bituin?
3. Kailangan bang laging may problema sa kwento at happy ending?
...and they live happily ever after.
4. Kailangan bang laging paniwalaan ang Kathang Isip na ikinukwento?
Ano ang silbi nito sa mga bata?
5. Sana mapayabong pa ang Panitikang Filipino?

Tuesday, July 1, 2008
ANG MGA UTOS ni Huseng Langgam

Ang Sampung Utos para sa mga Dukha
1. Mahalin mo ang Diyos kahit wala ka nang makain at mamatay ka sa gutom.
2. Huwag mong gamitin ang pangalan ng Diyos 'pag nanghihingi ka.
3. Magsimba at huwag mamalimos sa loob ng Simbahan.
4. Igalang mo ang iyong mga magulang kahit pabaya sila sa iyo.
5. Huwag kang papatay, buhay din ang kapalit nito.
6. Huwag kang makikiapid, igalang mo ang iyong pagkatao.
7. Huwag kang magnanakaw, masahol ka pa sa holdaper at snatcher.
8. Huwag kang magsisinungaling. marami na 'yan sa lipunan.
9. Huwag kang mang-aagaw ng asawa ng iba. Isipin mo ang ipapakain at ang kahihiyan mo.
10. Huwag kang makipag-agawan sa kayamanan, may mas higit pang kayamanan para sa iyo.
Ang Sampung Utos para sa mga Mayaman
1. Hindi ka Diyos, huwag kang masyadong mayabang.
2. Huwag mong gamitin ang pangalan ng Diyos sa business campaign mo.
3. Magsimba ka naman kahit linggo trabaho ka pa rin.
4. Abutan mo ng pera ang magulang mo, igalang mo pa rin sila.
5. Huwag kang papatay, mas mahalaga ang buhay kaysa pera.
6. Huwag kang makikiapid, isipin mong babae din ang nanay, kapatid at anak mo.
7. Huwag kang magnanakaw, ang sobrang kayamanan ay hindi na para sa iyo.
8. Magsabi ka ng totoo, lagot ka sa BIR.
9. Huwag mong pagnasaan ang asawa ng alipin mo. Aba sobra na 'yan. Isipin mo kung sino kasama lagi ng asawa mo.
10. Huwag mong angkinin ang hindi na para sa iyo. Kung nasaan ang kayamanan mo naroon din ang puso mo.
Subscribe to:
Comments (Atom)
Is it better to be an ant than to be a beast human?
THE POOR
THE POOR PEOPLE
We see paintings of poor people, then we admire the artist who painted them.
We read articles and stories about poor people, then we are inspired with the writer who wrote them.
We watch movies about poor people, then we congratulate the film-maker who made them.
We were surprised about the survey on poor people,
then we just make presentations about them.
How much do we gain from these? And do we really give to the poor people after doing such things?
They are real people …not just object s to be manipulated..
…Langgam……jduyan