Saturday, May 24, 2008

MAGDAMIT KA NG TAMA!


Ang tunay na damit ng tao ay ang kanyang pagkatao.
Ang kanyang ugali ang siyang ginagalang hindi ang kanyang kasuotan.
Ang kanyang salita ang kanyang palamuti at ang paninindigan niya ang kanyang tibay.

Nanaisin ko pang maging hubad kaysa ang suotin ko ay ang kayabangan.
Ang galit ang napapahubad sa tao, anuman ang kanyang kalagayan.
Ang kanyang panloob na suot ay makikita sa kanyang kinikilos at sa mga palamuti nito.

Nakakahiya sa isang hari ang matuon sa kanyang panlabas na kasuotan at sinusunod siya dahil sa takot at tungkulin lamang. Kaawaawa ang haring marangal ang kasuotan ngunit hindi na ginagalang.

Hindi kailangan ng isang guro ang magarang panlabas na kasuotan.

Ang damit ng isang propeta ay ang pag-ibig ng maykapal.
Bulaan ang propetang walang damit ng pag-ibig sa kapwa.

Aking natatadaan sabi ng aking magulang- "anak, huwag mong isusuot ang damit ng kahihiyan."

Nanaisin ko pa ang maging hubad kaysa ang magsuot ng damit na huwad.

Ikaw ano ang suot mo? Hubarin mo kung hindi bagay sa iyo.

Monday, May 19, 2008

MAGUGULAT KA NA LANG



Minsan magugulat ka na lang naglayas ang nanay mo.
Minsan magugulat ka na lang may tatay ka pa pala.
Miinsan magugulat ka na lang wala na ang cell phone mo.
Minsan magugulat ka na lang final exam na pala.
Minsan magugulat ka na lang nag-abroad na ang syota mo.
Minsan magugulat ka na lang ubos na alawans mo.
Minsan magugulat ka na lang sunog na bahay n'yo.
Minsan magugulat ka na lang may utang ka pa.

Minsan, sana magulat na lang ako sa text messages o call mo.
MInsan, sana magulat na lang ako na dinadalaw mo ako.
Minsan, sana magulat na lang ako na nandyan ka bilang gabay ko.

Sana minsan magkita tayo.

We realize, then, that there can be no"ordinary moments" for people who lives their lives with Jesus...Michael Card

Nagulat ka ba?

Langgam

Monday, May 12, 2008

ITO ANG SABI


Nakausap ko ang Angel ng Diyos.
Ang sabi ko:

Pwede bang hinaan ang ulan dahil babaha at ang mga nakatira sa ilalim ng tulay ay walang masisilungan?

Pwede bang dagdagan ang mga palay, isda, gulay, manok, baka at baboy para naman hindi gutumin ang isang pamilya na kwarenta pesos lang ang kita sa maghapon?

Pwede bang maglakad-lakad ka naman at tignan mo ang sitwasyon ng aming bayan?

Pwede bang pagsabihan mo ang mga kabataan na maghanda para sa kanilang kinabukasan?

"Pwede bang tumahimik ka sandali?" ang sagot ng Anghel ng Diyos.

"Pwede bang pagsumikapan mong maging malinis ang iyong budhi sa harap ng Diyos at sa tao?"ang bilin niya sa akin.

Bigla na lang siyang nawala sa aking paningin.

Kaya't naglilingkod tayo sa Diyos, hindi dahil sa lumang tuntuning nasusulat kundi dahil sa bagong buhay ayon sa Espiritu. Roma 7:6

Wednesday, May 7, 2008

MAS HIGIT PA SA GINTO


Mayroon akong mga kaibigan:


walang trabaho

walang pera

walang matirahan

walang pagkain

walang maisip na paraan

walang dumaramay

walang pumapansin

walang tumutulong


"Mayroon ka bang magagawa?" ang tanong nila sa akin.


Marami pang mga tulad nila ang nag-iisa ngayon at

kinakausap ang sarili.


Sayang naging langgam na lang sana sila.


Ano pa bang isyu, bagay, problema ang dapat bigyan ng pansin,

hindi ba't silang mga naaapi at nahihirapan?


Paglaki ko gusto ko maging duktor para makatulong sa mahihihrap... nasaan sila?

Paglaki ko gusto ko maging pulis para maprotektahan ang mga mahihirap... nasaan sila?

Paglaki ko gusto ko maging pangulo ng Pilipinas...nasaan sila?


Hindi ba't ang yaman ng ating mundo ay hindi lamang para sa iilan?


Gayon din naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. 1Pedro 1:7








Tuesday, May 6, 2008

SHARE KO LANG!

Sa bawat pagsubok sa buhay ay kailangan ng diskarte.

Alamin kung ano ang nais mo sa buhay.
Pag-aralang mabuti kung paano makakamit ang nais mo.
Magsanay.Suriin ang iyong kakayahan.
Tandaan hindi sa lahat ng panahon ikaw ay panalo.
Huwag panghinaan ng loob.
Hanapin ang dapat mong paghusayan pa.
Harapin ang bagong hamon.

Higit sa lahat manalangin.

Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti... 2 Tes. 2:17

Is it better to be an ant than to be a beast human?

THE POOR

THE POOR PEOPLE


We see paintings of poor people, then we admire the artist who painted them.

We read articles and stories about poor people, then we are inspired with the writer who wrote them.

We watch movies about poor people, then we congratulate the film-maker who made them.

We were surprised about the survey on poor people,
then we just make presentations about them.

How much do we gain from these? And do we really give to the poor people after doing such things?


They are real people …not just object s to be manipulated..


…Langgam……jduyan