
Mayroon akong mga kaibigan:
walang trabaho
walang pera
walang matirahan
walang pagkain
walang maisip na paraan
walang dumaramay
walang pumapansin
walang tumutulong
"Mayroon ka bang magagawa?" ang tanong nila sa akin.
Marami pang mga tulad nila ang nag-iisa ngayon at
kinakausap ang sarili.
Sayang naging langgam na lang sana sila.
Ano pa bang isyu, bagay, problema ang dapat bigyan ng pansin,
hindi ba't silang mga naaapi at nahihirapan?
Paglaki ko gusto ko maging duktor para makatulong sa mahihihrap... nasaan sila?
Paglaki ko gusto ko maging pulis para maprotektahan ang mga mahihirap... nasaan sila?
Paglaki ko gusto ko maging pangulo ng Pilipinas...nasaan sila?
Hindi ba't ang yaman ng ating mundo ay hindi lamang para sa iilan?
Gayon din naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. 1Pedro 1:7
3 comments:
alam mo, gustong-gusto ko ang istilo mo ng pagsusulat. gandang-ganda ako sa paghahabi mo ng kaisipan at impresibo yung pagsundot sa kinauukulan.
This is very true...I really like your blog...simple but full of meaning. I added you up.
salamat sa inyong paglalaan ng oras basahin ang mga ito...
sa ilalim ng dagat matatagpuan ang magagandang yaman nito...
Post a Comment