Thursday, June 26, 2008

BE PRUDENT

hindi dahil adviser ka, hindi mo na kailangan ng advise
hindi dahil pangulo ka, hindi ka na susunod
hindi dahil magulang ka, hindi ka naging anak.
hindi dahil mayaman ka, hindi ka na maghihirap.
hindi dahil mahirap ka, hindi ka na yayaman.
hindi dahil mali ka, hindi ka na gagawa ng tama.
hindi dahil tama ka, hindi ka na magkakamali.
hindi dahil marami kang alam, hindi ka na mag-aaral.
hindi dahil bobo ka, hindi ka na matututo.
hindi dahil pangit ka, hindi ka na maganda.
hindi dahil writer ka, hindi ka na reader.
hindi dahil waiter ka, hindi ka na kakain.
hindi dahil doktor ka, hindi ka na magkakasakit.
hindi daihl nurse ka, hindi ka na aalagaan.
hindi dahil pulis ka, hindi ka na huhulihin.
hindi dahil teacher ka, hindi ka na tuturuan.
hindi dahil meralco ka, hindi ka na magbabayad ng kuryente.
hindi dahil sales lady ka, hindi ka na bibili.
hindi dahil pari ka, hindi ka na mangungumpisal.hindi dahil english speaking ka, sosi ka na.
hindi dahil nagmamahal ka, hindi ka na magagalit.
hindi dahil galit ka, hindi ka na nagmamahal.

hindi dahil may dahilan ka lusot ka na.

a prudent person is always kind ...
but not all kind persons are prudent ... Langgam

Tuesday, June 17, 2008

PUWEDE KAYA?

Kung ako lang ang masusunod :

nais ko sanang dagdagan ng salitang PILIPINAS ang ating LUPANG HINIRANG
nais ko sanang palitan sa awit na...tong,tong, tong pakitong kitong alimango...
hindi "nangangagat" ang alimango... naninipit.
nais ko sanang huwag ng ipakanta ang Sitsiritsit Alibangbang... kasi kawawa naman ang bata pinagpalit lang sa bagoong at sa manika.
Gaano kaya kalaki ang Bahay Kubo na inaawit kasya kaya dun ang lahat ng gulay/ halamang nabanggit? Ampalaya wala pa dun. pwede kayang alpabetical ang mga ito?
Sa kantang Happi bertday, paano kung tatlo ang may bertday? Pwede bang ilagay ang date pag-inaawit ito?
Ano naman ang kinalaman ng pansit sa Leron-Leron Sinta? Babae ba si Leron o lalaki?
Saan kaya napunta ang mga gagambang tinaboy ng ulan, sa kantang maliliit na gagamba?

Puwede rin bang may kanta tungkol sa butiki?
Langgam kaya?

Thursday, June 12, 2008

PILIPINAS KONG MAHAL

Mahal kong Pilipinas,

Kumusta na? Sana'y nasa mabuti kang kalagayan,
habang binabasa mo itong aking liham.

Matagal na rin kitang hindi nakita halos sampung taon na.
Siguro ang laki na ang iyong pinagbago.
Marami akong nababalitaan tungkol sa iyo.
Nalulungkot ako kapag may problema ka.

Sila Inay at Itay kumusta na?
Konting tiis pa at aahon din tayo sa hirap.

Ang mga anak ko at asawa, kumusta na sila?
Si Len-len at Jun-jun, sana nag-aaral kayo ng mabuti ha,
para sa inyo rin 'yan mga anak, sa kinabukasan ninyo.
Mahirap kumita ng pera.

Paki sabi kay Lando, "miss na miss na kita, hayaan mo magbabago rin ang panahon.
Salamat sa pang-unawa mo, alam kong marami kang gustong sabihin sa akin.
Nabasa ko nga 'yung huling sulat mo sa akin, basta huwag kang mawawalan ng pag-asa."

Pilipinas ikaw nang bahala sa mga pamilya ko habang malayo ako sa kanila. Sana hindi sila magkasakit. Bakit nga ba kailan pang lumayo para lang kumita ng pera?

Pakisabi mo rin kay Pader Jojo at Sr. Marie na salamat sa mga prayers nila,
Hindi rin kasi ako madalas makapagsimba dito. Pero lagi ko kayong pinagdadasal,
lahat kayo dyan.

Kay Pareng Bert at Mareng Zeny, sana magkasundo na kayo, kawawa naman ang mga anak ninyo.
Isipin na lang ninyo ang maaaring mangyari sa kanila.

Si Nardo, bumalik na ba sa bahay nila? Balita ko nagpapalaya na raw ang Pangulo.
Pareng nardo alam kong napagbintangan ka lang, may awa ang Diyos.

Kumusta naman ang buong Bayan natin ha?
Pilipinas salamat sa iyo. Lagi mo akong naalala.
Isa kang tunay na kaibigan.
Minsan nililibang ko na lang ang aking sarili
para malimutan ko ang mga prolema. Kaya natin ito.


O pa'no hanggang sa susunod na liham ko.
Paalam.

Ingat lagi. God bless.

Ps. Day-off ko nandito ko sa plaza.

Nagmamahal,
Isabel

Tuesday, June 10, 2008

Pinoy Ako!

UNAUTHORIZED SPEECH

Ako po si jay- ar humihingi ng tulong ninyo!

Thursday, June 5, 2008

BAGONG PINOY ni Huseng Langgam

http://langgamworld.blogspot.com/
http://langgam.wordpress.com
http://buhaypinoylanggam.multiply.com

Bangon Bagong Pilipino

Pilipino, sino ka?

Ilang Edsa Revolution ba ang kailangan para sa iyong Kalayaan,
sa Cavite o sa Luneta?

Ha! Kung magpapakabayani ka, patay ka!
Ha! kung duwag ka, patay ka rin.

Ngayong tayo'y malaya... hindi na kalayaan ang ating kailangan.
Ang kailangan natin ay ang Kamalayan ng ating Kalayaan.

Bagong Pinoy, hindi bagong Edsa
Bagong Kamalayan, Bagong Pinoy...

Ang tunay na bagong lipunan ay ang Bagong Pinoy
Ang tunay na bagong Pinoy ay may bagong Lipunan.

Bagong diwa at bagong pag-asa.
Bagong Pinoy... Bangon!

May panahon ng paglaya...may panahon ng kamalayan...


Bagong Pinoy - Huseng Langgam

Monday, June 2, 2008

PARA SA MGA BAYANI ni Huseng Langgam




http://langgamworld.blogspot.com/
http://langgam.wordpress.com/
http://buhaypinoylanggam.multiply.com/
Pagpaumanhin ninyo ang aming kahinaan
na ipagtanggol ang ating Inang Bayan
Sa pagnanais at sa pag-aagawan
Sa yaman na angkin nitong lipunan

Sa pagtatalo at pag-aawayan
kung sino ang dapat na pakinggan
Ginagawang laruan ang hamak na mamamayan
Ang paglilingkod ay huwad lamang

Sa panahon na ginugugol para sa posisyon
Sa perang pinamudmud sa mga nagugutom
Sa pagmamalaking nakakatulong
Sa mahirap din naman laging nakatuntong

Nahihiya ako, na ang mga kabataan
Ngayon sila'y layas at wala sa tahanan
Paano na sila, ano kaya ang kahihinatnan
Paano ang Pag-asang sa kanila sinang-alang

Gat Jose Rizal, Bayaning Marangal
sa iyo Bonifacio, Ama ng Kalayaan
Mabini at sa iyo Del Pilar
Ako'y naninikluhod sa kahihiyan

Huwag sanang dumating
ang inyong inaasahan
Ang Katipunan na inyong itinatag
ay maging alamat na lamang

Sino nga kayang dakila at maaasahan
Sa panahon namin ngayon,panahon ng kahirapan
Dati'y dayuhan lamang ang kalaban
Ngayon Pilipino na rin ang naghahariharian

Huwag sana itong maging bangungot
Huwag sanang masayang ang hirap at pagod
Ang iyong adhikain nawa ang masunod
Ipanalangin ninyo ang bayan naghihikahos

Sana'y may mga bayani pa rin
Ang mag-aalay ng dugo at sakit
Itong kalayaan ay laging maging saksi
ng ating bayan...BAYANG API!

Is it better to be an ant than to be a beast human?

THE POOR

THE POOR PEOPLE


We see paintings of poor people, then we admire the artist who painted them.

We read articles and stories about poor people, then we are inspired with the writer who wrote them.

We watch movies about poor people, then we congratulate the film-maker who made them.

We were surprised about the survey on poor people,
then we just make presentations about them.

How much do we gain from these? And do we really give to the poor people after doing such things?


They are real people …not just object s to be manipulated..


…Langgam……jduyan