Thursday, June 12, 2008

PILIPINAS KONG MAHAL

Mahal kong Pilipinas,

Kumusta na? Sana'y nasa mabuti kang kalagayan,
habang binabasa mo itong aking liham.

Matagal na rin kitang hindi nakita halos sampung taon na.
Siguro ang laki na ang iyong pinagbago.
Marami akong nababalitaan tungkol sa iyo.
Nalulungkot ako kapag may problema ka.

Sila Inay at Itay kumusta na?
Konting tiis pa at aahon din tayo sa hirap.

Ang mga anak ko at asawa, kumusta na sila?
Si Len-len at Jun-jun, sana nag-aaral kayo ng mabuti ha,
para sa inyo rin 'yan mga anak, sa kinabukasan ninyo.
Mahirap kumita ng pera.

Paki sabi kay Lando, "miss na miss na kita, hayaan mo magbabago rin ang panahon.
Salamat sa pang-unawa mo, alam kong marami kang gustong sabihin sa akin.
Nabasa ko nga 'yung huling sulat mo sa akin, basta huwag kang mawawalan ng pag-asa."

Pilipinas ikaw nang bahala sa mga pamilya ko habang malayo ako sa kanila. Sana hindi sila magkasakit. Bakit nga ba kailan pang lumayo para lang kumita ng pera?

Pakisabi mo rin kay Pader Jojo at Sr. Marie na salamat sa mga prayers nila,
Hindi rin kasi ako madalas makapagsimba dito. Pero lagi ko kayong pinagdadasal,
lahat kayo dyan.

Kay Pareng Bert at Mareng Zeny, sana magkasundo na kayo, kawawa naman ang mga anak ninyo.
Isipin na lang ninyo ang maaaring mangyari sa kanila.

Si Nardo, bumalik na ba sa bahay nila? Balita ko nagpapalaya na raw ang Pangulo.
Pareng nardo alam kong napagbintangan ka lang, may awa ang Diyos.

Kumusta naman ang buong Bayan natin ha?
Pilipinas salamat sa iyo. Lagi mo akong naalala.
Isa kang tunay na kaibigan.
Minsan nililibang ko na lang ang aking sarili
para malimutan ko ang mga prolema. Kaya natin ito.


O pa'no hanggang sa susunod na liham ko.
Paalam.

Ingat lagi. God bless.

Ps. Day-off ko nandito ko sa plaza.

Nagmamahal,
Isabel

No comments:

Is it better to be an ant than to be a beast human?

THE POOR

THE POOR PEOPLE


We see paintings of poor people, then we admire the artist who painted them.

We read articles and stories about poor people, then we are inspired with the writer who wrote them.

We watch movies about poor people, then we congratulate the film-maker who made them.

We were surprised about the survey on poor people,
then we just make presentations about them.

How much do we gain from these? And do we really give to the poor people after doing such things?


They are real people …not just object s to be manipulated..


…Langgam……jduyan