
Ang Sampung Utos para sa mga Dukha
1. Mahalin mo ang Diyos kahit wala ka nang makain at mamatay ka sa gutom.
2. Huwag mong gamitin ang pangalan ng Diyos 'pag nanghihingi ka.
3. Magsimba at huwag mamalimos sa loob ng Simbahan.
4. Igalang mo ang iyong mga magulang kahit pabaya sila sa iyo.
5. Huwag kang papatay, buhay din ang kapalit nito.
6. Huwag kang makikiapid, igalang mo ang iyong pagkatao.
7. Huwag kang magnanakaw, masahol ka pa sa holdaper at snatcher.
8. Huwag kang magsisinungaling. marami na 'yan sa lipunan.
9. Huwag kang mang-aagaw ng asawa ng iba. Isipin mo ang ipapakain at ang kahihiyan mo.
10. Huwag kang makipag-agawan sa kayamanan, may mas higit pang kayamanan para sa iyo.
Ang Sampung Utos para sa mga Mayaman
1. Hindi ka Diyos, huwag kang masyadong mayabang.
2. Huwag mong gamitin ang pangalan ng Diyos sa business campaign mo.
3. Magsimba ka naman kahit linggo trabaho ka pa rin.
4. Abutan mo ng pera ang magulang mo, igalang mo pa rin sila.
5. Huwag kang papatay, mas mahalaga ang buhay kaysa pera.
6. Huwag kang makikiapid, isipin mong babae din ang nanay, kapatid at anak mo.
7. Huwag kang magnanakaw, ang sobrang kayamanan ay hindi na para sa iyo.
8. Magsabi ka ng totoo, lagot ka sa BIR.
9. Huwag mong pagnasaan ang asawa ng alipin mo. Aba sobra na 'yan. Isipin mo kung sino kasama lagi ng asawa mo.
10. Huwag mong angkinin ang hindi na para sa iyo. Kung nasaan ang kayamanan mo naroon din ang puso mo.
3 comments:
kuya ang ganda ng sampung utos! bakit po mas masahol pa ang magnanakaw kesa sa holdaper at snatcher? eh pareho lang naman pong masama ginagawa nila diba?
Charmaine
kuya langam.. gnda ng sampung utos, kya lng..mukhang benteng utos ata nbasa ko..haha.. pero mgnda talaga, kasi pra tlga sa lhat.. sna MATAMAAN n tau!!..
kuya, paexplain dn pla ng png-9 sa myyaman.. d q mgets eh..:)
Hi kuya jeff!
Astig talaga ang mga creations mo. 5 stars for you!
Post a Comment