Wednesday, August 6, 2008

TAMA O MALI?

TAMA O MALI?
Aug 6, '08 11:44 PMby buhaypinoy for everyone
Ano ang dapat maunang malaman ang tama o mali?
sagutin ng / kung TAMA at X kung MALI

1. gulpihin ang apo hanggang mamatay.
2. chop-chopin ang asawa dahil sa selos.
3. mangholp-up para may mapakain sa anak.
4. makipagtalik sa kamag-anak.
5. lunurin ang sarili sa bisyo dahil ikaw ay naghihirap.
6. mag-amok at barilin ang kapitbahay.
7. magpalaglag dahil ayaw magkaanak.
8. suhulan ang judge.
9. mangako ng kabuhayan habang nangungurakot.
10. maging TAPAT sa lahat ng oras.

PARA SA MGA GURO:
Ano nga ba ang tunay na halaga ng pagtuturo?

PARA SA MGA MAGULANG:
Nasa maayos bang kalagayan ang ating mga anak?

PARA SA MGA PARI:
Nasaan si Kristo?

PARA SA MGA MADRE:
Nasaan na si Lozada?

PARA SA MGA MANGAGAWA:
Mag-ingat sa disgrasya. Umaasa sa inyo ang inyong mga anak.

PARA SA KABATAAN:
Mag-aral ng mabuti para sa kinabukasan. Mahal ng ang BIGAS!
marami pa kayong kakaining bigas!

PARA SA WALANG MAGAWA:
Sundin ang number 10.

PARA SA LAHAT:
" make your life a GIFT to others" neale donald walsch

Ang langgam ay nilikha hindi lamang para kumain
kundi para maging tunay na langgam - sa kapwa langgam.

HUSENG LANGGAM "000

Monday, July 21, 2008

“AUTHORIZED LIARS”

Ito ay tumutukoy sa mga taong nasa posisyon, a naatasan ng nakatataas at may gawad upang magsinungaling.

Naging dahilan ng isang tao ang kanyang sinumpaang tungkulin upang maimpluwensiyahan ang kanyang nasasakupan at idamay sa kanyang kasinungalingan.

Mas mabigat na tungkulin, mas mabigat na pananagutan ang naka-atang sa isang tao.

Mas nagiging malakas ang loob ng isang tao kapag may basbas ng nakatataas ang kanyang pagsisinungaling.

Dapat panagutan ng mga sinungaling na pinuno ang ganitong uri ng pagsisinungaling.
Hindi tama ‘yan. Kahit kailan, ang kasinunglingan ay labag sa katotohanan. Malaki o maliit mang kasinungalingan ay kasinungalingan pa rin.

Ang kasinungalingan ang magpapahamak sa tao.

Tigilan mo na ang pagsisinungaling kung ayaw mong mapahamak ng todo. Huwag mong pabayaang mawala ang tiwala sa iyo dahil sa iyong kasinungalingan.

Mawala man ang tiwala sa ‘yo ng ibang tao ay hindi mahalaga kung nanatili ka sa liwanag ng katotohanan.

Masama ang magbintang ngunit kapag ikaw ay mapagbintangan ng hindi totoo, ito ay nagiging daan para mapatunayan mo ang iyong sarili sa iba.

Walang dapat ikatakot ang taong nagsasabi ng totoo.

Hindi ang bibig ng tao ang nagsisinungaling kundi ang kanyang kalooban. Ganoon din sa magnanakaw, ang kamay ay hindi ang dahilan kundi ang hangarin ng taong magnanakaw.

"Then you will know the truth and the truth will make you free." John 8:32

Pinoy pakinggan mo ...ang sinasabi ko, totoo ba?...langgam
ABANGAN ANG BAGONG LIBRO NG BAYAN!

Sunday, July 20, 2008

SINO ANG TANGA?

SINO ANG TANGA?

"Pano ba mag-isip ang tanga?
Tanga pinag-iisipan pa ba’ yon?"

Bakit hindi ba mahalaga ang iniisip ng tanga o binabalewala lang sila dahil tanga sila?

Kapag pinag-uusapan ang topic na ito ay malamang hindi bibigyan ng pansin dahil ang mga tao ay ayaw ng tanga.

Katangahan ba ang malaman ang pagiging tanga?

Sino nga ba ang Tanga? Sila ba yong mga hindi nakatapos ng pag-aaral o yung maraming natapos pero may katangahan pa rin?

Ang Tanga ay “idiot” sa English. Ito ay laging nababanggit kapag nagkakamali ang isang tao o kaya kapag may kakulangan siya ng isang bagay lalo na sa pag-iisip. Maraming kahulugan ang salitang tanga. Hindi ibig sabihin marami kang tinapos na kurso ay hindi ka na tanga.

Tayong mga Pilipino ay unang tinawag ng mga kastila na mga tanga o indio “mga bobo”.

Ang tao nang isinilang ay likas na tanga dahil hindi pa ganap ang kanyang kaalaman sa mga bagay na sa kanyang paligid, ngunit gaano masusukat ng tao kung ganap na ang kanyang kaalaman sa kanyang paligid lalo ng sa kanyang sarili.

Hindi ba maraming nadiskubre dahil sa katangahan at ang nagsasabing matalino siya ay isang katangahan?

Ang pagiging mahirap ba ay isang katangahan?
Dahil alam na nilang sila ay mahirap pero hindi pa nila isipin kung paano makaahon dito? Ganoon ba yun?

Bakit ba may tanga, dahil ba may matalino? Hindi ba ang isang matalino ay may katangahan pa rin sa ibang bagay?
Bakit ba may tanga, dahil ba may mayaman? Hindi ba ang isang mayaman ay may katangahan din?

Si Attila the Hun, isang kilalang mandirigma noong unang mga siglo. Halos masakop niya ang mga iba’t ibang lupaing malapit sa Roma ngunit dahil lamang sa isang babae, siya ay namatay sa pamamagitan ng lason.

Maraming tao ang naging tanyag ngunit hindi pa rin nakaiwas sa katangahan?

Ang pagiging maramdamin ay isang sanhi ng katangahan. Kapag ang tao ay may pangamba o takot ito ay nagiging sanhi ng kanyang katangahan.

Ang sobrang galit ay maaari ding maging sanhi ng katangahan. Marami ang pumapatay at nagpapakamatay dahil dito.

Ang sobrang pag-iisip ng problema ay pinagmumulan din ng katangahan.

Ang sobrang tagumpay nama’y nakabubulag ng isip at sa katangahan din sumasapit.

Ang sobrang trabaho ay gayon din. Kapag ang katawan ay ayaw na at pilit ka pa rin sa paggawa katangahan pa rin ang iiral.
Ang pagmamadali ay sanhi rin ng katangahan.

Ang pagaaksaya ay katangahan din.

Ang pagnanakaw ay isang katangahan, dahil ang bawat bagay ay may dapat paggamitan ayon sa tamang paraan. Alam na niyang hindi kanya ay kinukuha pa.

Ang pagiging sakim sa pagkain, pera at anumang bagay tulad ng droga ay pagiging tanga sa sarili.

Ang isang katangahan ay maaaring humantong sa kahangalan ngunit ang kahangalan ay tunay na isang katangahan at ito ay maaari rin humantong sa kabaliwan.


Magkaiba ang pagiging inusente at ang nagtatangahan.

Ang inusente ay tanga na may natutunan.
Ang nagtantangahan naman ay may natutuhan na pero hindi naman isinasabuhay.

Sa ating lipunan ay marami ang nagtatangatangahan.
Nagpapabaya at walang pakundagan sa pagnanakaw ng ariarian.

Ngunit marami rin ang sinuwerte dahil sa katangahan.

Pinakamahalaga ay ang makilala ng tao kung sino siya at anumang kulang sa kanya ay hanapin niya kahit siya ay itinuturing na tanga.

Tell them to insult no one; they must not be quarrelsome but gentle and understanding with everyone.

We ourselves were once foolish.Titus 3:3

Grace be with you !!!

Ingat lang lagi ha... Huseng Langgam

Thursday, July 10, 2008

PARA SA IYO AKING GURO





http://buhaypinoylanggam.multiply.com/

Sa iyong paninigaw pag ako'y sinasaway
Naalala ko ang tinig mong naging akin tanglaw

Sa iyong paghagis ng chalk,buti na lang ay haging
Naging mahusay ako at alerto sa aking mga gawain

Sa iyong pagsusumbong na ako'y sinungaling,
ngayon, aking bibig ay parang may sili pa rin

Sa iyong pagpapadipa sa akin, natuto akong magdasal
at lalo akong naniwalang epktibo ang panalangin

Sa iyong panlalait na ako'y tanga
natuto akong tuklasin ang mga bagay na mahalaga.

Sa iyong pagyayabang ng buhay mo sa amin
natuto akong magarap, mga pagsubok ay harapin.

Sa paulit-ulit mong lesson na aking tinandaan
magbasa, magsulat at makipagtalakayan.

Sa mga takdang iyong pinagagawa
kinabukasan wala akong naihanda.

Sa mga takot ko sa iyo ako ay natuto
Naging matapang ako katulad mo

Sa mga papuri sa mabuti kong gawa
natuto akong maging mabuti sa aking kapwa.

Ipagpaumanhin po ninyo hindi ko nabanggit
ako ang batang naglagay ng buble gum sa gilid ng inyong puwit.

Salamat sa iyo, Gurong Mahal hindi kita malilimutan
Ikaw ang aking guro sa Aralin Panlipunan.

noong kabataan ni Huseng Langgam

Monday, July 7, 2008

PINOY KA BA?

http://langgamworld.blogspot.com/
http://langgam.wordpress.com
http://buhaypinoylanggam.multiply.com

sabi nila ang mga Pinoy daw mga magnanakaw
sabi nila ang mga Pinoy daw mga bastos.
sabi nila ang mga Pinoy daw mga sira ang ulo
sabi nila ang mga Pinoy daw mga walang kwentang tao.
sabi nila ang mga Pinoy daw mga hampas lupa.
sabi nila ang mga Pinoy daw mga manloloko
sabi nila ang mga Pinoy daw mga pasikat.

eto lang ang masasabi ko sa kanila..

hindi ako naniniwala ... "Marangal ang Pinoy"...'yan ang alam ko!

Huwag maliitin ang maliliit...alam mo ba ang malaki kung walang maliit?

HUSENG LANGAM

Wednesday, July 2, 2008

PAMBATA DAPAT PAMBATA? ni Huseng Langgam

Isang Kritiko sa Panitikang Pambata

Ang Pilipino ay mahilig sa kwento.
Sana mabigyang linaw sa mga bata ang paggamit ng estilo sa pagkwento.

1. Kailangan bang takutin ang bata para lang magkaroon ng aral?

Halimbawa: Ang Alamat ng Pinya
Ano ang nangyari kay Pina nang hindi siya sumunod?
Hindi ba't dumami ang mata?

Kay Pinocchio hindi ba't humaba ang ilong dahil nagsinungaling?

Humahaba ba ang ilong ng nagsisinungaling?
Dumadami ba ang mata ng hindi sumusunod?

2. Kailangan bang lumikha ng pangyayaring hindi totoo para ikuwento ang katotohanan?

Alamat ng Paglikha: Si Maganda at Makisig galing sa kawayan.

Kailan ba nagsilang ng tao ang kawayan?
'yung suklay naging Buwan?
'yung kwintas naging bituin?

3. Kailangan bang laging may problema sa kwento at happy ending?

...and they live happily ever after.

4. Kailangan bang laging paniwalaan ang Kathang Isip na ikinukwento?

Ano ang silbi nito sa mga bata?

5. Sana mapayabong pa ang Panitikang Filipino?

Tuesday, July 1, 2008

ANG MGA UTOS ni Huseng Langgam


Ang Sampung Utos para sa mga Dukha


1. Mahalin mo ang Diyos kahit wala ka nang makain at mamatay ka sa gutom.
2. Huwag mong gamitin ang pangalan ng Diyos 'pag nanghihingi ka.
3. Magsimba at huwag mamalimos sa loob ng Simbahan.
4. Igalang mo ang iyong mga magulang kahit pabaya sila sa iyo.
5. Huwag kang papatay, buhay din ang kapalit nito.
6. Huwag kang makikiapid, igalang mo ang iyong pagkatao.
7. Huwag kang magnanakaw, masahol ka pa sa holdaper at snatcher.
8. Huwag kang magsisinungaling. marami na 'yan sa lipunan.
9. Huwag kang mang-aagaw ng asawa ng iba. Isipin mo ang ipapakain at ang kahihiyan mo.
10. Huwag kang makipag-agawan sa kayamanan, may mas higit pang kayamanan para sa iyo.

Ang Sampung Utos para sa mga Mayaman

1. Hindi ka Diyos, huwag kang masyadong mayabang.
2. Huwag mong gamitin ang pangalan ng Diyos sa business campaign mo.
3. Magsimba ka naman kahit linggo trabaho ka pa rin.
4. Abutan mo ng pera ang magulang mo, igalang mo pa rin sila.
5. Huwag kang papatay, mas mahalaga ang buhay kaysa pera.
6. Huwag kang makikiapid, isipin mong babae din ang nanay, kapatid at anak mo.
7. Huwag kang magnanakaw, ang sobrang kayamanan ay hindi na para sa iyo.
8. Magsabi ka ng totoo, lagot ka sa BIR.
9. Huwag mong pagnasaan ang asawa ng alipin mo. Aba sobra na 'yan. Isipin mo kung sino kasama lagi ng asawa mo.
10. Huwag mong angkinin ang hindi na para sa iyo. Kung nasaan ang kayamanan mo naroon din ang puso mo.

Thursday, June 26, 2008

BE PRUDENT

hindi dahil adviser ka, hindi mo na kailangan ng advise
hindi dahil pangulo ka, hindi ka na susunod
hindi dahil magulang ka, hindi ka naging anak.
hindi dahil mayaman ka, hindi ka na maghihirap.
hindi dahil mahirap ka, hindi ka na yayaman.
hindi dahil mali ka, hindi ka na gagawa ng tama.
hindi dahil tama ka, hindi ka na magkakamali.
hindi dahil marami kang alam, hindi ka na mag-aaral.
hindi dahil bobo ka, hindi ka na matututo.
hindi dahil pangit ka, hindi ka na maganda.
hindi dahil writer ka, hindi ka na reader.
hindi dahil waiter ka, hindi ka na kakain.
hindi dahil doktor ka, hindi ka na magkakasakit.
hindi daihl nurse ka, hindi ka na aalagaan.
hindi dahil pulis ka, hindi ka na huhulihin.
hindi dahil teacher ka, hindi ka na tuturuan.
hindi dahil meralco ka, hindi ka na magbabayad ng kuryente.
hindi dahil sales lady ka, hindi ka na bibili.
hindi dahil pari ka, hindi ka na mangungumpisal.hindi dahil english speaking ka, sosi ka na.
hindi dahil nagmamahal ka, hindi ka na magagalit.
hindi dahil galit ka, hindi ka na nagmamahal.

hindi dahil may dahilan ka lusot ka na.

a prudent person is always kind ...
but not all kind persons are prudent ... Langgam

Tuesday, June 17, 2008

PUWEDE KAYA?

Kung ako lang ang masusunod :

nais ko sanang dagdagan ng salitang PILIPINAS ang ating LUPANG HINIRANG
nais ko sanang palitan sa awit na...tong,tong, tong pakitong kitong alimango...
hindi "nangangagat" ang alimango... naninipit.
nais ko sanang huwag ng ipakanta ang Sitsiritsit Alibangbang... kasi kawawa naman ang bata pinagpalit lang sa bagoong at sa manika.
Gaano kaya kalaki ang Bahay Kubo na inaawit kasya kaya dun ang lahat ng gulay/ halamang nabanggit? Ampalaya wala pa dun. pwede kayang alpabetical ang mga ito?
Sa kantang Happi bertday, paano kung tatlo ang may bertday? Pwede bang ilagay ang date pag-inaawit ito?
Ano naman ang kinalaman ng pansit sa Leron-Leron Sinta? Babae ba si Leron o lalaki?
Saan kaya napunta ang mga gagambang tinaboy ng ulan, sa kantang maliliit na gagamba?

Puwede rin bang may kanta tungkol sa butiki?
Langgam kaya?

Thursday, June 12, 2008

PILIPINAS KONG MAHAL

Mahal kong Pilipinas,

Kumusta na? Sana'y nasa mabuti kang kalagayan,
habang binabasa mo itong aking liham.

Matagal na rin kitang hindi nakita halos sampung taon na.
Siguro ang laki na ang iyong pinagbago.
Marami akong nababalitaan tungkol sa iyo.
Nalulungkot ako kapag may problema ka.

Sila Inay at Itay kumusta na?
Konting tiis pa at aahon din tayo sa hirap.

Ang mga anak ko at asawa, kumusta na sila?
Si Len-len at Jun-jun, sana nag-aaral kayo ng mabuti ha,
para sa inyo rin 'yan mga anak, sa kinabukasan ninyo.
Mahirap kumita ng pera.

Paki sabi kay Lando, "miss na miss na kita, hayaan mo magbabago rin ang panahon.
Salamat sa pang-unawa mo, alam kong marami kang gustong sabihin sa akin.
Nabasa ko nga 'yung huling sulat mo sa akin, basta huwag kang mawawalan ng pag-asa."

Pilipinas ikaw nang bahala sa mga pamilya ko habang malayo ako sa kanila. Sana hindi sila magkasakit. Bakit nga ba kailan pang lumayo para lang kumita ng pera?

Pakisabi mo rin kay Pader Jojo at Sr. Marie na salamat sa mga prayers nila,
Hindi rin kasi ako madalas makapagsimba dito. Pero lagi ko kayong pinagdadasal,
lahat kayo dyan.

Kay Pareng Bert at Mareng Zeny, sana magkasundo na kayo, kawawa naman ang mga anak ninyo.
Isipin na lang ninyo ang maaaring mangyari sa kanila.

Si Nardo, bumalik na ba sa bahay nila? Balita ko nagpapalaya na raw ang Pangulo.
Pareng nardo alam kong napagbintangan ka lang, may awa ang Diyos.

Kumusta naman ang buong Bayan natin ha?
Pilipinas salamat sa iyo. Lagi mo akong naalala.
Isa kang tunay na kaibigan.
Minsan nililibang ko na lang ang aking sarili
para malimutan ko ang mga prolema. Kaya natin ito.


O pa'no hanggang sa susunod na liham ko.
Paalam.

Ingat lagi. God bless.

Ps. Day-off ko nandito ko sa plaza.

Nagmamahal,
Isabel

Tuesday, June 10, 2008

Pinoy Ako!

UNAUTHORIZED SPEECH

Ako po si jay- ar humihingi ng tulong ninyo!

Thursday, June 5, 2008

BAGONG PINOY ni Huseng Langgam

http://langgamworld.blogspot.com/
http://langgam.wordpress.com
http://buhaypinoylanggam.multiply.com

Bangon Bagong Pilipino

Pilipino, sino ka?

Ilang Edsa Revolution ba ang kailangan para sa iyong Kalayaan,
sa Cavite o sa Luneta?

Ha! Kung magpapakabayani ka, patay ka!
Ha! kung duwag ka, patay ka rin.

Ngayong tayo'y malaya... hindi na kalayaan ang ating kailangan.
Ang kailangan natin ay ang Kamalayan ng ating Kalayaan.

Bagong Pinoy, hindi bagong Edsa
Bagong Kamalayan, Bagong Pinoy...

Ang tunay na bagong lipunan ay ang Bagong Pinoy
Ang tunay na bagong Pinoy ay may bagong Lipunan.

Bagong diwa at bagong pag-asa.
Bagong Pinoy... Bangon!

May panahon ng paglaya...may panahon ng kamalayan...


Bagong Pinoy - Huseng Langgam

Monday, June 2, 2008

PARA SA MGA BAYANI ni Huseng Langgam




http://langgamworld.blogspot.com/
http://langgam.wordpress.com/
http://buhaypinoylanggam.multiply.com/
Pagpaumanhin ninyo ang aming kahinaan
na ipagtanggol ang ating Inang Bayan
Sa pagnanais at sa pag-aagawan
Sa yaman na angkin nitong lipunan

Sa pagtatalo at pag-aawayan
kung sino ang dapat na pakinggan
Ginagawang laruan ang hamak na mamamayan
Ang paglilingkod ay huwad lamang

Sa panahon na ginugugol para sa posisyon
Sa perang pinamudmud sa mga nagugutom
Sa pagmamalaking nakakatulong
Sa mahirap din naman laging nakatuntong

Nahihiya ako, na ang mga kabataan
Ngayon sila'y layas at wala sa tahanan
Paano na sila, ano kaya ang kahihinatnan
Paano ang Pag-asang sa kanila sinang-alang

Gat Jose Rizal, Bayaning Marangal
sa iyo Bonifacio, Ama ng Kalayaan
Mabini at sa iyo Del Pilar
Ako'y naninikluhod sa kahihiyan

Huwag sanang dumating
ang inyong inaasahan
Ang Katipunan na inyong itinatag
ay maging alamat na lamang

Sino nga kayang dakila at maaasahan
Sa panahon namin ngayon,panahon ng kahirapan
Dati'y dayuhan lamang ang kalaban
Ngayon Pilipino na rin ang naghahariharian

Huwag sana itong maging bangungot
Huwag sanang masayang ang hirap at pagod
Ang iyong adhikain nawa ang masunod
Ipanalangin ninyo ang bayan naghihikahos

Sana'y may mga bayani pa rin
Ang mag-aalay ng dugo at sakit
Itong kalayaan ay laging maging saksi
ng ating bayan...BAYANG API!

Saturday, May 24, 2008

MAGDAMIT KA NG TAMA!


Ang tunay na damit ng tao ay ang kanyang pagkatao.
Ang kanyang ugali ang siyang ginagalang hindi ang kanyang kasuotan.
Ang kanyang salita ang kanyang palamuti at ang paninindigan niya ang kanyang tibay.

Nanaisin ko pang maging hubad kaysa ang suotin ko ay ang kayabangan.
Ang galit ang napapahubad sa tao, anuman ang kanyang kalagayan.
Ang kanyang panloob na suot ay makikita sa kanyang kinikilos at sa mga palamuti nito.

Nakakahiya sa isang hari ang matuon sa kanyang panlabas na kasuotan at sinusunod siya dahil sa takot at tungkulin lamang. Kaawaawa ang haring marangal ang kasuotan ngunit hindi na ginagalang.

Hindi kailangan ng isang guro ang magarang panlabas na kasuotan.

Ang damit ng isang propeta ay ang pag-ibig ng maykapal.
Bulaan ang propetang walang damit ng pag-ibig sa kapwa.

Aking natatadaan sabi ng aking magulang- "anak, huwag mong isusuot ang damit ng kahihiyan."

Nanaisin ko pa ang maging hubad kaysa ang magsuot ng damit na huwad.

Ikaw ano ang suot mo? Hubarin mo kung hindi bagay sa iyo.

Monday, May 19, 2008

MAGUGULAT KA NA LANG



Minsan magugulat ka na lang naglayas ang nanay mo.
Minsan magugulat ka na lang may tatay ka pa pala.
Miinsan magugulat ka na lang wala na ang cell phone mo.
Minsan magugulat ka na lang final exam na pala.
Minsan magugulat ka na lang nag-abroad na ang syota mo.
Minsan magugulat ka na lang ubos na alawans mo.
Minsan magugulat ka na lang sunog na bahay n'yo.
Minsan magugulat ka na lang may utang ka pa.

Minsan, sana magulat na lang ako sa text messages o call mo.
MInsan, sana magulat na lang ako na dinadalaw mo ako.
Minsan, sana magulat na lang ako na nandyan ka bilang gabay ko.

Sana minsan magkita tayo.

We realize, then, that there can be no"ordinary moments" for people who lives their lives with Jesus...Michael Card

Nagulat ka ba?

Langgam

Monday, May 12, 2008

ITO ANG SABI


Nakausap ko ang Angel ng Diyos.
Ang sabi ko:

Pwede bang hinaan ang ulan dahil babaha at ang mga nakatira sa ilalim ng tulay ay walang masisilungan?

Pwede bang dagdagan ang mga palay, isda, gulay, manok, baka at baboy para naman hindi gutumin ang isang pamilya na kwarenta pesos lang ang kita sa maghapon?

Pwede bang maglakad-lakad ka naman at tignan mo ang sitwasyon ng aming bayan?

Pwede bang pagsabihan mo ang mga kabataan na maghanda para sa kanilang kinabukasan?

"Pwede bang tumahimik ka sandali?" ang sagot ng Anghel ng Diyos.

"Pwede bang pagsumikapan mong maging malinis ang iyong budhi sa harap ng Diyos at sa tao?"ang bilin niya sa akin.

Bigla na lang siyang nawala sa aking paningin.

Kaya't naglilingkod tayo sa Diyos, hindi dahil sa lumang tuntuning nasusulat kundi dahil sa bagong buhay ayon sa Espiritu. Roma 7:6

Wednesday, May 7, 2008

MAS HIGIT PA SA GINTO


Mayroon akong mga kaibigan:


walang trabaho

walang pera

walang matirahan

walang pagkain

walang maisip na paraan

walang dumaramay

walang pumapansin

walang tumutulong


"Mayroon ka bang magagawa?" ang tanong nila sa akin.


Marami pang mga tulad nila ang nag-iisa ngayon at

kinakausap ang sarili.


Sayang naging langgam na lang sana sila.


Ano pa bang isyu, bagay, problema ang dapat bigyan ng pansin,

hindi ba't silang mga naaapi at nahihirapan?


Paglaki ko gusto ko maging duktor para makatulong sa mahihihrap... nasaan sila?

Paglaki ko gusto ko maging pulis para maprotektahan ang mga mahihirap... nasaan sila?

Paglaki ko gusto ko maging pangulo ng Pilipinas...nasaan sila?


Hindi ba't ang yaman ng ating mundo ay hindi lamang para sa iilan?


Gayon din naman, ang inyong pananampalataya, na higit kaysa ginto, ay pinararaan sa pagsubok upang malaman kung talagang tapat. 1Pedro 1:7








Tuesday, May 6, 2008

SHARE KO LANG!

Sa bawat pagsubok sa buhay ay kailangan ng diskarte.

Alamin kung ano ang nais mo sa buhay.
Pag-aralang mabuti kung paano makakamit ang nais mo.
Magsanay.Suriin ang iyong kakayahan.
Tandaan hindi sa lahat ng panahon ikaw ay panalo.
Huwag panghinaan ng loob.
Hanapin ang dapat mong paghusayan pa.
Harapin ang bagong hamon.

Higit sa lahat manalangin.

Bigyan nawa kayo ng matatag na kalooban upang inyong maipahayag at maisagawa ang lahat ng mabuti... 2 Tes. 2:17

Tuesday, April 22, 2008

SIGE BILANGIN MO



Huwag mong bilangin kung ano ang wala...
Bilangin kung ano ang mayroon at alamin ang mapapala...

Ang Oras ay bilang... pero ang ang pakakataon ay minsan lang.
Ang Isip ay limutado... ngunit ang paraan ay matutuklasan mo.

Ang Buhay ay mahalaga... ngunit ang angkinin ito ay hindi mo kaya.
Sino nga ba ang Diyos? ... kahit wala ka Diyos pa rin siya...

Ano nga ba ang totoo?... Hindi ba ang Tao ay tao...
Sa iyong katalinuhan ..ang kamangmangan mo ay maitatala.

Gawin ang alam mong tama... Diyos na ang sa iyo'y magpapala...

Manalig ka...ang Diyos ay Diyos...

Langgam ``OOO

Ang Isang Panalangin

Dasal ng Isang Langgam

Panginoon, salamat sa buhay kong ito na iyong Kaloob
Salamat sa pagkaing Iyong handog sa araw-araw

Tulungan mo akong maging tunay sa lahat ng aking hangarin
Ang mahalin ang aking lahi: paano man ako ay ituring...

Salamat sa aking Ama at Ina na sila'y handog mo upang ako'y
isilang dito sa mundo.
Sa kaibigang handang dumamay- sa hirap at ginhawa sila ang kasama ko.

Tulungan mo akong ang pagmamahal ay pagyamanin at hindi ang anumang
bagay na aking kakamtin.

Ang galit ay iwaksi at lumayo sa pagsisisi.

Salat man ako sa lahat:basta' t Ikaw ang siyang Dakilain...Amen.

Langgam

Ang Mahiwagang Diyosa at Si Langgam

Ang layas na langgam, nagpunta mag-isa sa bukid.
Doon nakita siya ng mga tipaklong at nais siyang hulihin at gawing alipin.
Buti na lang nakatakbo siya ng mabilis. Ang kawawang langgam ay hingal na hingal.
Sa kanyang pagpapahinga sa ilalim ng puno ng kamatis, biglang may lumabas ng isang Mahiwagang Diyosa at tinanong siya " Ano ang ginagawa mo rito pipintsuging langgam?

"Mahal na Diyosa nais ko pong gawin ninyo akong isang tipaklong para hindi ako makilala ng mga susabos ng tipaklong na humabol sa akin at aakalain nilang isa ako sa kanila."

Sumagot ang Diyosa: Hoy, batang langgam alam mo ba ang sinasabi mo. Hindi pwede
ang nais mo dahil kapag ginawa kitang tipaklong magiging tulad ka na nila at isa ka rin sa mga itatakwil ng mga langgam.

Ganoon po ba?

Ang dapat mong gawin ay ang maging isang tunay na langgam at hanapin ang karunungan sa kabila ng takot at pagsubok.

At bigla na lang nawala ang Mahiwagang Diyosa.

( lagi namang pabigla-bigla ang mga diyosa eh, biglang susulpot at biglang nawawala...)

Kailangan mo 'to

Ako na kaya ko yan!

Pag pilay ang paa mo ...sige maglakad ka
Pag bulag ka na... sige tignan mo
Pag bingi ka... sige makinig ka
Pag 'di kana makakain ... sige kain lang
Pag nastrok ka na... sige takbo
Pag wala ka ng trabaho... sige magrelax ka lang
Pag bagsak ka sa subject mo ... sige aral pa
Pag wala ka ng magawa... sige ako na kaya ko yan.

Ang hirap, kahit hirap ka na... ayaw mo pa rin humingi ng tulong eh...
Pag wala ng tutulong sa 'yo ... sige magdasal ka
Kahit kailan hindi iiwan ng Maykapal...

Ilang Himala pa ang kailangan ninyo?Marcos 8:9

Langgam - kuyajeffduyan

Thursday, March 13, 2008

ISANG HALIK

Halik sa noo tanda ng paggalang
Halik sa pisngi tanda ng pagkakaibigan
Halik sa labi tanda ng pananabik
Halik sa leeg tanda ng paglalambing
Halik sa balikat tanda ng pagdamay
Halik sa kamay tanda ng pagsuyo
Halik sa palad tanda ng paghingi ng tulong
Halik sa hita tanda ng paghingi ng tawad
Halik sa tuhod tanda na hindi ka iiwan
Halik sa paa tanda ng paglilingkod

Bawat isang halik ay tanda ng Pag-ibig
Bawat isang halik ay higit pa sa isang libong salita...

Huwag lang ang halik ni Judas...

Halik ng langgam nagpapantal. ..

Tuesday, March 11, 2008

Ang Tunay na Kaibigan

Sino nga ba ang tunay na kaibigan?
Iyong taong madalas na iyong maasahan
Sa bawat araw na lumilipas
Ang Pag-ibig niya'y di kumukupas

Sa oras ng kagipitan,
siya'y itext mo lamang
Kahit nasaan siya,
reply niya'y isang segundo lang

'Pag may nang-aapi hindi ka niya iiwanan
Siya ang taong ikaw ay ipaglalaban
Alam niya kapag ikaw ay tahimik
Alam din niya pag - ikaw ay nanabik

Ang kaibigan ay salamin ng ating katauhan
Siya ang nagsasabi ng iyong kalakasan
Siya ang taong iyong masasabihan
ng mga lihim mo at mga kahinaan

Sa isang kaibigan ang mali mo'y laging nauunawaan
Ngunit sa isang kaaway, ang kabutihan mo'y laging kasalanan

Magalit man ang kaibigan mas higit naman ang kanyang pagmamahal
Ang Katapatan niya sa iyo'y walang hangganan...

Langit man o impiyerno ay hindi mahalaga
Tandaan mo, ang isang kaibigan -kahit kailan di ka hahatulan.

Kaibigan-Langgam jduyan

ORDINARYONG LANGGAM



Hindi kami papayag
Hindi kami papaapi
Hindi kami uurong
Hindi kami papaawat

Sa isang butil ng pagkain
ang lahat ay gagawin...

Huwag mong babastosin
Hwag mong tatapakan
Kahit kami'y maliit
Kagat nami'y masakit

Bakit nga ba sinusunog
Bakit nga ba binubuhusan
Di ka na naaawa, sa abang nilikha

Para sa mga Tipaklong !!!

Ang pagkain sa amin nakalaan
Inyong pinapipistahan
Dahil ba sa iyong kakayahan
Kaya kimi kinakayankayanan

Ang kamatayan ng isang langgam ay dakila...
dahil sa langgam ding ito kami ay lalaya

Langgam -jduyan

Tuesday, March 4, 2008

Sermon Outside the Pulpit

Remember this:
we are all human beings,
worthy to be respected...

not because of what we achieve,
not because of our Position or Authority,
not because of our riches,
not because of our talent or leadership,
not because we are good
not because of our religion
not because of our race and culture.
not because you've read and written many books about Respect and Love.

try to think of this...Are you one of us?...HUMANS!

Yahweh said to Cain, "Where is your brother, Abel?"
He answered, " I don't know; AM I MY BROTHER'S KEEPER?"
gen.4:9

TAO PO!!! - Langgam



ODNUM GNA AN DATGILAB





paalala bago mo ito basahin...
ipanalangin mong maging bukas ang iyong isip...at puso


baligtad na ang mundo

mga tatay nasa bahay,,, nanay nasa trabaho
ang pulis binabantayan
reporter nag-iimbistiga
lapis pinantutusok
plato hinagagis
lalaki nagpapasexi
babae nagpapatato
sa LRT mga babae nasa male area
nakatayo.
Lola sinisigawan
lalaki nirerape
Pari nirereklamo
TV pinagninilayan
Simbahan ginagawang park
Sa Korte nagbabarilan
Sa Gobyerno nagdadayaan
Computer nilalaro
Condom pinupromote
Presidente sinungaling
alak ginagawang juice
Bahay ginagawang bar, sauna o kaya sugalan
Jueteng gustong maging legal
Sanggol pinalalglag
Hayop katabi sa kama
TV stations nakademanda
basura kinakain
Mag-asawa naghihiwalay
Mall ginagawang school.
Damit hinuhubad para kumita
Katawan binebenta
Lason iniinom
Building tinatalon
Gabi ginagawang umaga
sa trabaho tulog
Baril ginagawang laruan

Sana kahit baligtad na ang mundo huwag kang bumaligtad
Alamin mo ang dapat na paninindigan mo ... Ano?

Langgam

Monday, March 3, 2008

Usong- uso ang sama-sama
Araw-araw nagiging kanya-kanya tayo.
Anu-ano,saan- saan tayo pare-pareho o
iba-iba. Haka-haka lang ba o tamang-tama lang
na tayo'y magkaisa? Ang hiwa-hiwala' y natin pananaw...
Magtulong- tulong na tayo
Kitang kita at damang-dama na natin ang unti-unting
nagiging abang-aba na tayo, halo-halo na ang nasa dibdib
Sari- saring problema...Aping- api na tayo..
Pano? Dali-dalian na natin habang oras-oras na hinayaan ang ganitong
agam-agam mawawalan lang ng saysay ang ating paninindigan.

Huli-huli na lang talagang talaga...

TAMANG-TAMA NA ITAMA NA...TAMA ba?

Galaw-galaw
Langgam jduyan

Sunday, March 2, 2008

LANGGAMWORLD



BUTI PA ANG MGA LANGGAM

Sana langgam na lang ako...
Kasi ang langgam ay masipag. Laging naghahanap ng pagkain at gumagawa ng paraan upang mabuhay .Asukal lang pwede na.
Ang langgam ay maalalahanin,kapag may pagkain tinatawag ang iba para mabahaginan.
Ang mga langgam ay nagtutulungan, para maging masagana ang buhay.
Ang mga langgam ay may disiplina, nakapila sila at hindi nag-uunahan, may mauna man itinuturo kung saan ang daan.
Ang langgam ay simple mamuhay, sa isang butas lang okey na silang lahat doon.
Ang mga langam ay payapa,wala pa akong nakitang langgam na nag-aaway.
Ang mga langgam ay martir, hindi sumusuko...lagi silang iniihian, nilulunod,tinitiris, sinisigawan, sinusunog at walang awang pinapatay.
Ang mga langgam ay pantay-pantay, walang relihiyon, walang politika, walang mahirap at mayaman.
Nagkakaisa.
Buti pa ang mga langgam... sana naging laggam na lang tayo!

Is it better to be an ant than to be a beast human?

THE POOR

THE POOR PEOPLE


We see paintings of poor people, then we admire the artist who painted them.

We read articles and stories about poor people, then we are inspired with the writer who wrote them.

We watch movies about poor people, then we congratulate the film-maker who made them.

We were surprised about the survey on poor people,
then we just make presentations about them.

How much do we gain from these? And do we really give to the poor people after doing such things?


They are real people …not just object s to be manipulated..


…Langgam……jduyan