Saturday, May 24, 2008

MAGDAMIT KA NG TAMA!


Ang tunay na damit ng tao ay ang kanyang pagkatao.
Ang kanyang ugali ang siyang ginagalang hindi ang kanyang kasuotan.
Ang kanyang salita ang kanyang palamuti at ang paninindigan niya ang kanyang tibay.

Nanaisin ko pang maging hubad kaysa ang suotin ko ay ang kayabangan.
Ang galit ang napapahubad sa tao, anuman ang kanyang kalagayan.
Ang kanyang panloob na suot ay makikita sa kanyang kinikilos at sa mga palamuti nito.

Nakakahiya sa isang hari ang matuon sa kanyang panlabas na kasuotan at sinusunod siya dahil sa takot at tungkulin lamang. Kaawaawa ang haring marangal ang kasuotan ngunit hindi na ginagalang.

Hindi kailangan ng isang guro ang magarang panlabas na kasuotan.

Ang damit ng isang propeta ay ang pag-ibig ng maykapal.
Bulaan ang propetang walang damit ng pag-ibig sa kapwa.

Aking natatadaan sabi ng aking magulang- "anak, huwag mong isusuot ang damit ng kahihiyan."

Nanaisin ko pa ang maging hubad kaysa ang magsuot ng damit na huwad.

Ikaw ano ang suot mo? Hubarin mo kung hindi bagay sa iyo.

4 comments:

Anonymous said...

No comment pare!!! wala n nga ako maisuot e.. hehe...

Langgam said...

Salamat sa comment mo kahit wala...
sa ukasy-ukay maranming damit pero iisa lang ang bagay sa iyo... alam mo na 'yun pre!

Anonymous said...

kuya jep.. ang ganda ng blogsite mo..simple lang pero astig!..madami napapahanga lalo na sa nilalaman..kakatuwa basahin..may patama talaga sa lahat..galing!..:)

Langgam said...

salamat pare, hanggang may computer may blog...

Is it better to be an ant than to be a beast human?

THE POOR

THE POOR PEOPLE


We see paintings of poor people, then we admire the artist who painted them.

We read articles and stories about poor people, then we are inspired with the writer who wrote them.

We watch movies about poor people, then we congratulate the film-maker who made them.

We were surprised about the survey on poor people,
then we just make presentations about them.

How much do we gain from these? And do we really give to the poor people after doing such things?


They are real people …not just object s to be manipulated..


…Langgam……jduyan